Home NATIONWIDE Easterlies, amihan magdadala ng maulap na panahon, pulo-pulong ulan sa ilang bahagi...

Easterlies, amihan magdadala ng maulap na panahon, pulo-pulong ulan sa ilang bahagi ng bansa

139
0

MANILA, Philippines – Magiging maulap na may isolated rain showers sa karamihan ng bahagi ng bansa ngayong Miyerkules dahil sa easterlies at Northeast Monsoon o amihan, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa 4 a.m. bulletin nito, sinabi ng PAGASA na makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog ang Surigao del Norte, Surigao del Sur, at Dinagat Islands dulot ng easterlies. Nagbabala rin ito sa posibleng flash floods o landslides dahil sa katamtaman hanggang minsang malakas na ulan.

Samantala, magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may isolated light rains ang Batanes at Babuyan Islands dahil sa amihan.

Magdadala rin ang easterlies ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may isolated rain showers sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa.

Ayon pa sa PAGASA, hanggang alas-2 ng madaling araw ng Miyerkules ay wala silang mino-monitor na low pressure area para sa posibleng pagbuo ng bagyo. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here