Home METRO Pag-aalboroto ng Mayon, patuloy

Pag-aalboroto ng Mayon, patuloy

125
0

ALBAY, Philippines – Naglabas ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng time-lapse footage ng minor strombolian activities ng Mayon Volcano na naitala alas-7:16 ng gabi at alas-7:20 ng gabi noong Martes, Marso 3, 2026.

Ayon sa PHIVOLCS, “Effusive eruption at Mayon Volcano continues for the 57th consecutive day, generating incandescent lava flows, pyroclastic density currents (PDC) or ‘uson’, and rockfalls.”

Ayon sa Phivolcs naka taas sa alert level 3 ang bulkang Mayon at nasa 30 volcanic earthquake ang naitala habang  323 pagguho ng bato ang naitala.

Sinabi pa ng ahensya  na naitala ang pamamaga ng bulkan at pagbuga ng abo na  750 metrong taas sa bunganga ng bulkan sa kanluran at timog-kanluran.

Pinaalalahanan ng ahensya na nananatili ang Alert Level 3 sa bulkan at mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa loob ng anim na kilometrong Permanent Danger Zone.

Ang Alert Level 3 ay nangangahulugang may intensified o magmatic unrest sa bulkan. (Santi Celario)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here