Home TOP STORIES Tensyon sa MidEast, lumalala: Israel, US, Iran nagpalitan ng airstrikes

Tensyon sa MidEast, lumalala: Israel, US, Iran nagpalitan ng airstrikes

196
0

JERUSALEM, Israel – Pinalakas pa ng bansang Israel ang airstrikes laban sa mga missile launcher at pabrika ng Iran nitong Martes, habang ang Iran ay umaksyon pabalik sa iba’t ibang bahagi ng Gulf, na nakaapekto sa enerhiya at biyahe.

Sa Tehran at Lebanon, tumunog ang mga pagsabog — sa Lebanon, sinabi ng Israel na kanilang tinarget ang Hezbollah militants. Kasabay nito, ang American embassy sa Saudi Arabia ay inatake ng drones.

Ayon kay US Ppesident Donald Trump, may apat na layunin ang military campaign: sirain ang missile capabilities ng Iran, lipulin ang navy nito, pigilan ang paggawa ng nuclear weapon, at tiyaking hindi nito masuportahan ang allied armed groups. “Someone from within” ng Iranian regime ang maaaring pumalit sa kapangyarihan pagkatapos ng kampanya, sabi ni Trump.

Sa Iran, narinig ang mga eroplano at pagsabog sa kabisera buong gabi. Ayon sa Israeli military, kanilang inatake ang mga site ng ballistic missile production sa Tehran at Isfahan. Nagkaroon ng dalawang pagsabog sa broadcasting facility sa Tehran, ngunit walang nasaktan.

Ayon sa U.N. nuclear watchdog: may “some recent damage” sa Natanz nuclear site, ngunit walang radiological consequence. Ayon sa ulat, may mga bagong underground sites ang Iran para sa paggawa ng atomic bombs, ngunit iginiit ng Iran na ang kanilang nuclear program ay mapayapa.

Sa Riyadh, dalawang drone ang umatake sa U.S. Embassy, nagdulot ng “limited fire,” at nag-utos ang U.S. State Department ng evacuation ng non-emergency personnel at pamilya sa Kuwait, Bahrain, Iraq, Qatar, Jordan at UAE.

Sa apat na araw ng labanan, ayon sa Iranian Red Crescent Society, mahigit 787 ang namatay sa Iran. Sa Israel, 11 ang nasawi sa missile attacks, at 52 sa Lebanon dahil sa retaliatory strikes. Anim na American service members ang napatay, tatlo sa UAE, at tig-iisa sa Kuwait at Bahrain.

Iran din ay tinarget ang Amazon data centers sa UAE at Bahrain, mga energy facilities sa Qatar at Saudi Arabia, at ilang barko sa Strait of Hormuz, na nagtaas ng presyo ng langis at gas sa buong mundo. Brig. Gen. Ebrahim Jabbari ng Iran ay nagdeklara: “The Strait of Hormuz is closed.”

Ang tensyon ay kumalat na rin sa Lebanon, kung saan naglunsad ng missiles ang Hezbollah at nagpadala ng karagdagang tropa ang Israel sa southern Lebanon. U.N. peacekeepers nakakita ng Israeli troops papasok at palabas ng Lebanon, ngunit ayon sa Israel, nagpapatuloy ang operasyon ng kanilang pwersa. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here