Home HOME BANNER STORY Paglobo sa presyo ng petrolyo, asahan!

Paglobo sa presyo ng petrolyo, asahan!

172
0

MANILA, Philippines – Sumirit pa lalo ang presyo ng mga produktong petrolyo sa world market nitong Marso 2-3, 2026 kasabay ng umiinit na tensyon sa Middle East dahil sa nagaganap na gyera sa pagitan ng United States at Israel laban sa Iran.

Batay sa pagtaya, posibleng madagdagan ng aabot sa ₱12 kada litro ang diesel, ₱6 kada litro ang gasolina at nasa ₱13 kada litro naman ang kerosene kapag tuluyang ipinatupad ang panibagong taas-presyo sa mga susunod na araw.

Dahil dito, inaasahang panibagong dagok na naman ito sa mga tsuper, transport groups, negosyante at ordinaryong mamamayan na araw-araw umaasa sa murang pamasahe at bilihin.

Matatandaang nitong Martes lamang ay nagpatupad na ng malakihang dagdag-presyo ang mga kompanya ng langis sa bansa—₱1.90 kada litro sa gasolina, ₱1.20 sa diesel at ₱1.50 sa kerosene.

Kung tuluyang magtutuloy-tuloy ang pagtaas sa pandaigdigang merkado, hindi malayong masundan pa ito ng panibagong oil price hike sa mga susunod na linggo.

Nag-ugat ang pagsirit ng presyo sa pangamba ng mga negosyante sa suplay ng langis sa gitna ng lumalalang sigalot sa Middle East, na isa sa pangunahing pinagmumulan ng krudo sa buong mundo.

Sa ngayon, nagbabantay ang publiko sa magiging galaw ng mga oil company habang umaasa ang marami na makahanap ng solusyon ang pamahalaan upang maibsan ang epekto ng panibagong oil crisis sa bulsa ng taumbayan. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here