Home OPINION 75 KLASENG GAMOT, LIBRE NA SA QUEZON PROVINCE SA PHILHEALTH GAMOT

75 KLASENG GAMOT, LIBRE NA SA QUEZON PROVINCE SA PHILHEALTH GAMOT

200
0

TODO-YAKAP ngayon ang PhilHealth sa mga taga-Quezon! Inilunsad na ni PhilHealth President Edwin Mercado, kasama sina DOH Sec. Ted Herbosa at Gov. Helen Tan, ang programang PhilHealth GAMOT nitong Pebrero 27, 2026. Layunin ng inisyatibong ito na tiyakin na ang bawat Filipino ay may akses sa de-kalidad na medisina at serbisyong medikal nang hindi nag-aalala sa malaking gastos.

Pinalawak na Benepisyo sa Ilalim ng YAKAP

Ang PhilHealth GAMOT ay isang mahalagang serbisyong na­kapaloob sa PhilHealth YAKAP, ang flagship Primary Care program ng ahensya. Ayon kay Dr. Mercado, layunin ng YAKAP na bigyang-prayoridad ang agarang pagpapatingin at aktibong pag-iwas sa karamdaman pa­ra hindi na umabot sa punto na kailangan pang ma-ospital ang isang pasyente. “Ibig sabihin, hindi na kakailanganin pang ma-ospital upang maramdaman ang alaga ng pamahalaan,” diin ng opisyal.

75 Klaseng Gamot para sa Masa

Bilang bahagi ng pagpapalawak ng programa, itinaas na sa 75 na klaseng gamot ang sakop ng PhilHealth mula sa dating 21 lamang.

Ang mga miyembro ay ma­aaring maresetahan ng 21 kla­seng gamot base sa kanilang check-up sa mga primary care clinic, habang ang karagdagang 54 na uri ng medisina ay maaari namang makuha nang libre sa mga accredited GAMOT Pharmacies.

Mahalagang tandaan na para maging libre, ang reseta ng mga miyembro ay dapat na kabi­lang sa listahan ng 75 gamot na aprobado ng Department of Health (DOH). Bukod dito, sagot din ng PhilHealth ang hanggang P20,000 na halaga ng mga gamot na ito para sa bawat miyembro kada taon.

Direktiba ng Pangulo para sa Kalusugan

Ang paglulunsad ng PhilHealth GAMOT ay alinsunod sa mahigpit na atas ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na gawing abot-kamay ang mga kinakailangang medisina pa­ra sa mamamayan.

Sa pamamagitan ng pondong inilaan para sa libreng check-up, diagnostics, at gamot, tinitiyak ng pamahalaan ang wa­lang-patid na pangangalaga sa kalusugan ng bawat Filipino.

Sa tulong ng lokal na pamahalaan ng Quezon, ang prog­ramang ito ay magsisilbing mo­delo ng malasakit at ginhawa para sa buong bansa.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here