Manila, Philippines – Sa isang panayam, naurirat si Bela Padilla sa balitang nagpa-freeze na ng eggs ang kanyang kaibigang si Kim Chiu na kasama niya sa troika na AngBeKi.
Ayon kasi sa ulat noon, layunin umano ng chinita actress na i-savor ang kanyang kasikatan at career habang sinisigurong handa ang kanyang kinabukasan para sa pagkakaroon ng pamilya.
Ibig sabihin, bet na rin ng aktres na magkaroon ng baby considering na 35 years old na ito at habang nagkakaedad ay nagiging slim na ang chances nitong magbuntis.
Hindi naman ikinaila ni Bela na napag-usapan na nila iyon ni Kim at suportado niya ang desisyon ng TV host-actress.
Gayunpaman, sa kaso raw niya ay hindi pa niya naiisip iyon o sumagi man lang sa kanyang isipan.
Natanong din ang aktres hinggil sa dahilan ng breakup nila ng ex na si Norman Bay.
Aminado naman siyang may kinalaman ang distansya kaya sila nagkahiwalay.
Sa kabila ng lahat, mutual daw naman ang naging paghihiwalay nila ng afam na ex.
Katunayan, binisita pa nga raw siya ng ex sa Pilipinas noong nakaraang taon.
Tungkol naman sa mystery guy na nagpadala ng flowers sa kanya noong Valentine’s, wala pa raw siyang masyadong detalyeng maibabahagi dahil baka masilat.
Kinumpirma naman niyang ito ang kasalukuyang nagpapasaya sa kanya. Archie Liao