Home NATIONWIDE Maulap na kalangitan, pulo-pulong pag-ulan, mararanasan sa amihan

Maulap na kalangitan, pulo-pulong pag-ulan, mararanasan sa amihan

164
0

MANILA, Philippines – Patuloy na makakaranas ng maulap na kalangitan at mga pulu-pulong pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa dahil sa Northeast Monsoon o amihan at easterlies, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa inilabas na 4 a.m. weather bulletin nitong Huwebes, sinabi ng PAGASA na makararanas ng maulap na panahon na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang Surigao del Sur, Davao de Oro, at Davao Oriental dahil sa easterlies.

Samantala, maulap na kalangitan na may mahinang pag-ulan ang mararanasan sa Batanes, Cagayan, at Apayao dulot ng amihan. Makakaranas din ng maulap na kalangitan na may isolated light rains ang Ilocos Norte dahil sa parehong weather system.

Bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may mga pulu-pulong pag-ulan o thunderstorms ang inaasahan sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa dahil pa rin sa easterlies.

Ayon pa sa PAGASA, wala silang binabantayang low pressure area na posibleng maging bagyo hanggang nitong Huwebes. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here