Home NATIONWIDE Pope Leo ipinalangin ang pagtuldok sa mga digmaan sa gitna ng US-Iran...

Pope Leo ipinalangin ang pagtuldok sa mga digmaan sa gitna ng US-Iran tension

210
0

VATICAN – Nananalangin si Pope Leo sa Diyos na tulungan ang mga lider ng mundo na talikuran ang digmaan bilang paraan ng paglutas ng mga sigalot.

Ginawa ng Papa ang panawagan at panalanging ito sa isang video na inilabas noong Huwebes kasabay ng ika-anim na araw ng pambobomba ng U.S.-Israel laban sa Iran.

Kada buwan ay naglalabas ng video message si Pope Leo upang ipahayag ang kanyang layunin sa panalangin para sa buwan na iyon.

Ang layunin ng Santo Papa para sa Marso ay “para sa disarmament at kapayapaan.”

Nagbabala ang pangunahing diplomat ng Vatican noong Miyerkules na ang mga pag-atake ng U.S.-Israel ay lumalabag sa pandaigdigang batas at sinabi na ang mga bansa ay walang karapatang maglunsad ng “preventive wars,” isang hindi karaniwang direktang kritisismo sa kampanyang militar.

Sa kanyang video, nanalangin ang Santo Papa na tulungan ng Diyos ang mundo na maunawaan “na ang tunay na seguridad ay hindi nagmumula sa kontrol na pinapalakas ng takot, kundi mula sa tiwala, katarungan, at pagkakaisa sa mga tao.” Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here