Home NATIONWIDE 10-anyos na batang babae, sugatan matapos hablutin ng leon sa zoo

10-anyos na batang babae, sugatan matapos hablutin ng leon sa zoo

140
0

MANILA, Philippines – Sugatan ang isang 10-anyos na batang babae matapos siyang hablutin ng leon sa isang zoo sa Guangdong, China.

Ayon sa ulat, agad na rumesponde ang isang zookeeper upang sagipin ang bata, ngunit nahirapan ito dahil mahigpit ang pagkakakapit ng leon sa pantalon ng biktima.

Kalaunan ay nailigtas ang bata ngunit nagtamo siya ng mga sugat sa binti.

Sa imbestigasyon, lumabas na pinayagan ng isang staff ng zoo ang ilang bisita na makapasok sa designated safety buffer zone upang pakainin ang leon.

Suspendido na ang naturang staff habang pinag-aaralan ng pamunuan ng zoo ang mga hakbang upang hindi na maulit ang insidente. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here