MANILA, Philippines – SINABI ng Department of Foreign Affairs (DFA) na malabong makapulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si U.S. President Donald Trump sa working visit ng una sa New York mula Marso 9 hanggang 10.
Ang katuwiran ni DFA spokesperson at Assistant Secretary Angelica Escalona, wala sa agenda ng biyahe ng Pangulo ang makapulong si Trump.
Bukod dito, wala ring ibang bilateral meetings sa mga world leaders ang nakatakda sa pagbisita ng Pangulo sa Estados Unidos.
Wala rin aniyang magaganap na pakikipagpulong ang Pangulo sa Filipino community sa kanyang pagbisita sa Estados Unidos.
Gayunman, mayroon namang nakatakdang pakikipagpulong si Pangulong Marcos kay United Nations (UN) Secretary-General António Guterres para pag-usapan ang mga kaganapan sa Gitnang Silangan at muling pagtibayin ang commitment ng Pilipinas sa multilateralism.
Ang miting, ayon kay Escalona sa press briefing sa Malakanyang, ay idaraos sa sidelines ng partisipasyon ni Pangulong Marcos sa UN engagements.
“He (Marcos) will also reiterate the Philippines’ commitment to the United Nations and to multilateralism,” sinabi ni Escalona.
Samantala, magpapartisipa rin si Pangulo sa pagbubukas ng ika-70 sesyon ng UN Commission on the Status of Women.
Gayundin, magbibigay din siya ng mensahe sa special session ng UN General Assembly.
Samantala, sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni DFA spokesperson Angelica Escalona na hihikayatin din ng Pangulo ang mga ito na magbalik sa negotiating table ukol sa matinding tensyon sa Gitnang Silangan na igalang ang international law.
“Napakahalaga po ng biyaheng ito, ito po ang tamang pagkakataon ngayon dahil sa mga nangyayari sa Middle East,” sinabi ni Escalona.
“The President would offer a voice from the region, calling for restraint and respect for international law and the UN Charter amid the ongoing conflict,” ayon kay Escalona.
Kabilang din aniya sa nakatakdang biyahe ng Pangulo sa New York mula Marso 9 hanggang 10 ang high-level engagements sa United Nations (UN).
Winika ni Escalona na makakapulong ni Pangulong Marcos si UN Secretary-General Antonio Guterres sa sidelines ng kanyang US visit.
Magpapartisipa rin ang Pangulo sa pagbubukas ng ika-70 sesyon ng UN Commission on the Status of Women.
Gayundin, magbibigay din siya ng mensahe sa special session ng UN General Assembly. (Kris Jose)