DUBAI – Narinig ang isang pagsabog sa Dubai airport na sinundan ng maitim na usok nitong Sabado, Marso 7.
Sa tracking website na FlightRadar24 naman ay makikita ang mga eroplano na paikot-ikot sa paliparan sa isang holding pattern.
Matatandaan na nagbalik ang mga limitadong flight sa paliparan sa Dubai sa kabila ng mga drone attack ng Iran target ang United Arab Emirates.
Inilarawan ng Dubai Media Office ang “a minor incident resulting from the fall of debris after an interception” ngunit itinanggi rin ang mga report na umiikot sa social media patungkol sa paliparan.
Apat na staff ang sugatan at nasira ang concourse sa Dubai airport nitong Sabado.
Agad naman na na-contain ang insidente ayon sa Dubai Airports. RNT/JGC