MANILA, Philippines – Inanunsyo ni Iran President Masoud Pezeshkian sa pambansang telebisyon na ititigil na nila ang pagbomba sa kanilang mga kapitbansa sa kondisyong hindi na nila ipagagamit ang kanilang mga bansa sa United States at Israel.
Humingi na rin ng pasensya ang Iran sa mga bansang katulad ng Saudi Arabia, Kuwait, Jordan, United Arab Emirates, Qatar, Bahrain, Iraq at iba pa.
Sinabi ni Pezeshkian na ginawa ng Iran ang desisyon sa bisa ng bagong leadership council makaraang mamatay si Supreme Leader Ayatollah Khameini at 47 nitong pinakamatataas na opisyal nito sa Tehran sa mga bomba ng United States at Israel.
Nauna rito, hiniling ng mga bansang ito ang Russia na kausapin ang Iran na itigil ang mga pagbomba ng missile at drone nito sa kanila at isa umano ito sa kinonsidera ng Iran.
Matatandaang nakayanang sirain ng Iran ang halos lahat ang mga base militar ng US sa nasabing mga bansa.
Hindi naman sinabi ni Iran President kung ititigil na nila ang pagbomba sa Israel.
Sa pag-unawa naman ng iba, sumusuko na ang Iran makaraang araw-araw na bombahin ng US at Israel ang Iran at sirain ang malaking bahagi ng military nito.
Ngunit ganap namang tinanggihan ng Iran maging ang kautusan ni US President Donald Trump na sumuko na ito. RNT/FC