Home NATIONWIDE MARINA, naglabas ng panibagong abiso sa maritime steakholders sa tumitinding gulo sa...

MARINA, naglabas ng panibagong abiso sa maritime steakholders sa tumitinding gulo sa MidEast

156
0

MANILA, Philippines – Upang mapanatiling matatag ang operasyon ng domestic shipping sa gitna ng tumitinding krisis sa Middle East ay naglabas ng contingency measures ang Maritime Industry Authority (MARINA).

Inatasan ng MARINA ang mga shipping companies at maritime stakeholders na magpatupad ng mga hakbang upang matugunan ang posibleng epekto ng tumataas na presyo ng langis at aberya sa pandaigdigang tanker shipping operations.

Base ito sa Advisory Number 2026-10 na inilabas ng MARINA na layong matiyak ang tuloy-tuloy na biyahe ng mga pasahero at pagdadala ng mahahalagang produkto sa bansa.

Ayon kay Maritime Industry Authority Administrator Sonia B. Malaluan, pinahihintulutan din ang mga shipping operator na magsagawa ng operational adjustments tulad ng trip consolidation at pagbabawas ng biyahe upang makatipid sa fuel consumption.

Maaari ring magpatupad ng fuel surcharge o pamasahe na hanggang dalawampung porsiyento ng base fare habang nagpapatuloy ang krisis, na sakop ng regulasyon ng MARINA. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here