MAKATI CITY, Philippines – Mainit ang naging laban at excitement sa Ten-O Grand Tournament 3 (GT #3) matapos magtipon ang 252 individual players na bumuo ng 84 teams, ang pinakamarami sa kasaysayan ng Ten-O GT!.

Umingay at nag-alab sa tensyon sa mga Beyblade arena ng Cash & Carry Makati, habang nagbanggaan ang lakas, diskarte, at teamwork ng mga top bladers sa bansa.
Ayon sa organizer na si Arjay Reginio, mas piniling team format ang GT #3 dahil mas doble ang saya at kaba.







