Home NATIONWIDE ‘Alice Guo 2.0’ dumalo sa Senate hearing sa kabila ng pananakit ng...

‘Alice Guo 2.0’ dumalo sa Senate hearing sa kabila ng pananakit ng dibdib

164
0

MANILA, Philippines – Dumalo pa rin sa pagdinig ng Senado ang negosyanteng si Joseph Sy nitong Lunes, Marso 9, sa kabila ng dinadaing na pananakit ng dibdib.

Ang pagdinig ay kaugnay sa umano’y pamemeke niya ng kanyang Filipino citizenship.

Bago dumating si Sy sa Senado, sinabi ni Bureau of Immigration (BI) Legal Division chief Atty. Arvin Santos na sinusuri pa ng doktor ang kalagayan nito.

“The commissioner has in fact issued the necessary travel orders for his escorts so that he may be brought here but around 10 or 15 minutes ago, we were informed that he complained of chest pains and our medical doctor is checking on him right now,” ani Santos.

Sinabi ni Senador Risa Hontiveros, chairperson ng komite, na nakatanggap siya ng impormasyon na ang blood pressure ni Sy ay umakyat sa 140/80 nitong umaga.

“Pero ‘pag kinlear daw sila ng doktor nila, papupuntahin naman sila dito (if the doctor clears him, he will be brought to the Senate). This is information from the commissioner. So I hope that Mr. Sy will arrive,” ayon sa senador.

Bago pa magsimula ang pagdinig ng Senado ay dumating na si Sy.

“Nahihilo ako eh… Hilo ako, nahihilo. Sakit ang dibdib ko kanina… Nahihilo ako kanina, sorry,” sinabi ni Sy.

Matatandaan na inaresto si Sy noong 2025 matapos tumugma ang biometrics niya sa Chinese citizen na si Zhong Zhen Chen.

Kasunod nito ay inihanda ng BI ang kanyang deportation proceedings.

Sa kabila nito, Setyembre 2025, ay pinigilan ng korte sa Taguig ang detention at deportation proceedings laban kay Sy dahil may substantial evidence umano ng kanyang pagka-Filipino.

Noong nakaraang buwan naman, kinatigan ng Court of Appeals (CA) ang ruling na ang detention ni Sy ay illegal. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here