Home NATIONWIDE Pagrepaso sa Oil Deregulation Law inihirit sa pagtaas ng presyo ng langis

Pagrepaso sa Oil Deregulation Law inihirit sa pagtaas ng presyo ng langis

195
0

MANILA, Philippines – Para kay House Committee on Ways and Means Chairman at Marikina Rep Miro Quimbo “wake up call” para sa Kongreso na repasuhin ang Oil Deregulation Law sa harap ng sabwatan ng mga kumpanya ng langis na sabay sabay na nagtaas ng presyo ng langis ilang araw matapos lamang ang US-Iran conflict.

Sa briefing na isinagawa ng komite na dinaluhan ng mga concerned agencies iginiit ni Quimbo na dapat hindi agad agad ang pagtaas ng presyo dahil mayroon pang imbak na langis ang mga petroleum companies subalit ang nangyari ay nagtaas agad ng presyo.

“karamihan sa supply ng langis ng mga kumpanya ngayon ay nakuha nang hindi pa nagkaka-giyera, pero bakit pinapayagan ang presyo na pang-giyera na,” ani Quimbo.

Inusisa din ni Quimbo kung bakit sabay-sabay tuwing Martes at pare-pareho pa ang halaga ng pagtaas ng mga kumpanya ng langis.

Paliwang ni Energy Director Rino Abad na sa ilalim ng Deregulated Regime ay pwedeng baguhin ng oil companies ang presyo, pero may arrangement na weekly o lingguhan na lamang.

Hinala ni Quimbo, may “collusion” o sabwatan at “abuse of dominant position” ang mga kumpanya ng langis, aniya, kahit magaling pa ang DOE Secretary pero kung wala namang sapat na kapangyarihan, nagiging balewala lamang ito dahil lumalabas na wala itong kapangyarihan na magpatupad ng “price cap” at sa halip, nag-uusap lamang ang ahensya at mga kumpanya kung magkano ang itataas.

Sinabi ni Quimbo na ang Oil Deregulation Law ay isinabatas upang magkaroon ng kumpetisyon ang mga oil companies ngunit ang nangyayari ay pare pareho din ang presyo ng mga kumpanya kaya walang mapagpilian na mababang presyo na syang hangarin ng pagkakaroon ng deregulated industry.

Iginiit nito na kung ang intensyon ng Oil Deregulation Law ay hindi naipatutupad at hindi napapakinabangan ng publiko ay dapat itong baguhin.

“panahon nang marepaso ang Oil Deregulation Law upang ma-empower o magkaroon ng kapangyarihan ng DOE laban sa mga nang-aabusong oil companies” pagtatapos ni Quimbo. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here