Home NATIONWIDE Mga tsuper binalaan sa sobrang singil ng pasahe sa mga turista

Mga tsuper binalaan sa sobrang singil ng pasahe sa mga turista

144
0

MANILA, Philippines — Binalaan ni Acting Transportation Secretary Giovanni Lopez ang mga driver at operator ng public utility vehicles (PUVs) laban sa paniningil ng labis na pasahe, na maaaring magresulta sa administrative penalties, kasong kriminal, at kanselasyon ng prangkisa.

Sa pahayag, sinabi ni Lopez na papanagutin ng mga awtoridad ang mga driver na nananamantala sa mga pasahero, kabilang ang mga lokal na biyahero at dayuhang turista.

Pangungunahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Land Transportation Office (LTO) ang pagpapatupad ng mga parusa.

“Maaari ding suspendihin o kanselahin ang prangkisa ng mga transport operators (They also face possible suspension or cancellation of the franchise of their transport operator),” ayon kay Lopez.

Inatasan din niya ang LTFRB na magsampa ng kasong kriminal laban sa sinumang PUV driver, konduktor, o operator na mapapatunayang sangkot sa ganitong uri ng pang-aabuso.

Ang babala ay kasunod ng isang insidenteng iniulat ng Taiwanese news program na TVBN noong Marso 4 kung saan siningil ng PHP9,600 ang mga turistang Taiwanese para sa biyahe mula Ninoy Aquino International Airport (NAIA) patungo sa kanilang destinasyon sa Maynila, sa halip na karaniwang pasahe na PHP500. Sakay umano sila ng isang itim na Asian utility vehicle (AUV).

Iniulat ng mga turista ang insidente sa lokal na pulisya ngunit sinabihan umano sila na wala nang magagawa tungkol dito. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here