Home NATIONWIDE PBBM, susuriin muna report bago apurahin tapyas oil excise tax

PBBM, susuriin muna report bago apurahin tapyas oil excise tax

142
0

MANILA, Philippines – Hihintayin muna ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang committee report ukol sa iminungkahing mga hakbang na naglalayong bigyan siya ng emergency powers para bawasan ang excise tax sa oil products sa gitna ng nagpapatuloy at umiigting na tensyon sa Gitnang Silangan bago niya ito sertipikahan bilang urgent.

Nauna rito, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na ipinadala na ni Pangulong Marcos sa Kongreso ang formal request para bigyan siya ng emergency powers.

Layon ng emergency powers na tapyasan ang excise tax sa produktong petrolyo kasunod ng lumalalang giyera sa Middle East.

Ayon kay Castro, ang Department of Energy (DOE) ang nagsumite ng kahilingan sa Kongreso sa ngalan ng Pangulo.

Nasa New York sa Amerika ngayon si Pangulong Marcos para sa dalawang araw na working visit.

Sinabi ni Castro na nakausap na nito si Energy Secretary Sharon Garin at gagawin ang pormal na kahilingan sa lalong madaling panahon.

Naunang inihayag ng Pangulo na kinokonsidera nito ang paghingi ng awtorisasyon sa Kongreso para bawasan pansamantala ang excise tax sa mga produktong petrolyo kapag umakyat o lumagpas sa $80 per barrel ang presyo ng crude oil. Magagawa lamang ito kung aaprubahan ng Kongreso. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here