Home HOME BANNER STORY Sen. Jinggoy humirit ng extension sa pagsumite ng counter-affidavit sa flood control...

Sen. Jinggoy humirit ng extension sa pagsumite ng counter-affidavit sa flood control probe – DOJ

178
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na humiling si Senator Jinggoy Estrada ng extension o pagpapalawig para sa paghahain ng kanyang counter-affidavit kaugnay sa flood control probe.

Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, pinagbigyan ng panel of prosecutors si Estrada ng hindi lalagpas sa tatlong araw o hanggang Marso 12 lamang.

Pagkatapos nito, ang kaso ay isusumite na para sa resolusyon, ayon kay Martinez.

“Sen. Estrada requested for another extension to file his counter-affidavit. He was given a non-extendible period of 3 days or until March 12 by the panel. At which point, the case will then be submitted for resolution,” ayon sa Viber message ni Martinez sa mga mamamahayag.

Samantala, naghain ng mosyon si Estrada sa 5th Division ng Sandiganbayan, kung saan dinidinig ang kanyang kasong graft kaugnay sa PDAF scam, para makabiyahe sa ilang bansa sa Asya kabilang ang Hong Kong, Macau at Japan mula Marso 31 hanggang Abril 5, 2026.

Gayunman, kailangan pa ring magpaalam ni Estrada sa Manila Regional Trial Court dahil kasalukuyan itong may Precautionary Hold Departure Order (PHDO) kaugnay naman sa nagpapatuloy na imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects.

Ang pag-iisyu ng PHDO sa mga sangkot sa maanomalyang flood control projects ng gobyerno ay dahil umano sa pagiging flight risk ng mga iniimbestigahan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here