Home NATIONWIDE De Lima, 41 iba pa naghain ng panukalang magpaparusa sa VAWP

De Lima, 41 iba pa naghain ng panukalang magpaparusa sa VAWP

123
0

MANILA, Philippines — Naghain si Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila de Lima kasama ang 41 pang mambabatas at mga women’s organizations ng panukalang batas na naglalayong tukuyin at parusahan ang violence against women in politics (VAWP).

Ang House Bill No. 8393 ay inihain nitong Martes, Marso 10 sa Kamara kasama sina Iloilo Rep. Julienne Baronda, Manila Rep. Joel Chua at Deputy Speaker Paolo Ortega V.

Ayon kay De Lima, layunin ng panukala na gawing krimen ang karahasan laban sa kababaihan sa larangan ng politika at maglatag ng mekanismo para sa proteksyon at pag-uulat ng mga insidente.

“Under this bill, we aim to define and criminalize violence against women, establish protection and reporting mechanisms, require political parties to adopt safeguards against gender-based political violence, and hold digital platforms accountable for addressing coordinated online abuse,” ani De Lima.

Ipinaliwanag ng mambabatas na hindi saklaw ng kasalukuyang mga batas tulad ng Magna Carta of Women o Republic Act 9710 ang ganitong uri ng karahasan na karaniwang lumalabas tuwing eleksyon at panahon ng kampanya.

Ayon sa kanya, laganap ang coordinated harassment, trolling, gender disinformation, pagbabanta at sexual harassment laban sa mga babaeng kandidato, campaign workers at political staff.

“May mga pagkakataon na sobrang shocking ang mga atake gaya ng pagbabanta ng rape laban sa babae o maging sa kanyang mga anak. Hindi ito dapat maging normal o tanggapin,” dagdag niya.

Sinabi rin ni De Lima na matagal na nilang pinag-aaralan ang panukala, ngunit lalong naging mahalaga ito dahil sa patuloy na pagdami ng pag-atake sa kababaihan sa politika.

Binanggit din niya na siya mismo ay nakaranas ng mga ganitong uri ng pag-atake, gayundin sina dating Vice President Leni Robredo at Senadora Risa Hontiveros. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here