Home NATIONWIDE Calamity fund maaaring gamitin para sa fuel subsidies – DBM

Calamity fund maaaring gamitin para sa fuel subsidies – DBM

165
0

MANILA, Philippines – SINABI ng Department of Budget and Management (DBM) na maaaring gamitin ang bahagi ng P39.8-billion calamity fund sa ilalim ng 2026 national budget para magbigay ng fuel subsidy sa mga apektadong sektor sa gitna ng tumataas na presyo ng fuel dahil sa matinding tensyon sa Gitnang Silangan.

Sa isinagawang pagdinig ng Senate Committee on Finance, tinukoy ni DBM Undersecretary Janet Abuel ang isang special provision sa 2026 General Appropriations Act (GAA) na naglaan ng P23.4 billion para sa National Disaster Risk Reduction and Management (NDRRM) Program.

Sinabi nito na ang pondo ay maaaring gamitin para sa rekonstruksyon, rehabilitasyon, pagkukumpuni, tulong, at iba pang trabaho at serbisyo kabilang na ang pre-disaster activities—may kaugnayan sa natural o human-induced calamities, epidemiya, krisis mula sa armed conflicts o terorismo at iba pang sakuna, na subject naman sa pag-apruba ng Pangulo.

“If we are affected by an international devastation, for example, and maapektuhan tayo, that can be considered as man-made on our part, as long as there is a declaration,” ang sinabi ni Abuel.

Inilatag ni Abuel ang mungkahi niyang ito habang ginagalugad naman ng mga mambabatas ang mga hakbang para tulungan ang bansa na mapagaan ang epekto sa ekonomiya ng matinding tensyon sa Gitnang Silangan.

Sinabi pa nito na ang pagdedeklara ng national emergency ay makapagbibigay sa pamahalaan ng alternatibong remedyo.

“Another option, subject to compliance with the constitutional requirements for declaring a national emergency, is another route. That would be a longer process because it would require legislation as well from Congress, parang Bayanihan Act during COVID,” dagdag na wika nito.

Sa kabilang dako, sinabi naman ni Senator Sherwin Gatchalian, Senate finance committee chairman, na ang 2026 calamity fund ay tumaas sa P39.8 billion.

“If ever we will give fuel subsidy, obviously that’s considered relief? In other words, (can it) be used, as worded right now?” ang tanong ni Gatchalian.

Kinumpirma naman ito ni Abuel sabay sabing kung ang calamity fund ay maaaring gamitin para sa relief sa panahon ng local emergencies, ito ay maaari ring gamitin sa panahon ng international crisis.

“Kung humaba pa itong disaster ngayon at kailangan magbigay ng fuel subsidies to public utility vehicle drivers, to farmers, to fisherfolk, pwede na ma-access ‘yun because in my opinion, ‘pag tumuloy-tuloy siya ng $100 for the next few months, parang nasa calamity na tayo eh,” ang sinabi naman ng senador.

Ani Abuel, natukoy na ng DBM ang posibleng pagkukuhanan ng pondo para tugunan ang hamon dahil sa Middle East conflict.

“Nakakita na po kami sa iba’t ibang agencies based on their PAP (program, activity, and project), which would also include ‘yung ating lump sum, the NDRMM fund,” aniya pa rn.

Nito lamang araw ng Lunes, nanawagan si Senator Risa Hontiveros sa Senado na magpasa na ng supplemental budget para tugunan ang tumataas na presyo ng produktong petrolyo.

Ayon kay Hontiveros, sa pagtaya ng kanyang opisina ay aabot sa P52.8 billion ang kailangang emergency supplemental budget package para maibsan ang epekto ng nagpapatuloy na giyera sa Gitnang Silangan.

Sa nabanggit na supplemental budget, ₱12 billion ang para sa transport subsidy, P2.8 billion para sa agricultural subsidy at P38 billion na emergency fund para sa Overseas Filipino Workers (OFW) repatriation at reintegration.

Tinukoy ng senadora na ang mga kasalukuyang pondo ay hindi kakasya sa pangangailangan ngayon ng iba’t ibang sektor sakaling tumindi ang tensyon sa Middle East.

Ipinunto naman ni Hontiveros na maraming pwedeng mapagkunan ng pondo at kailangan lamang pag-usapan, pag-isipan at aksyunan agad ito.

Ilan sa mga pwedeng mapaghugutan ng pondo ang ₱70 billion mula sa discontinued flood control projects noong nakaraang taon, ang pag-repurpose sa ₱2.5 billion na pondo ng Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization para sa agri-subsidy at pwede ring kumuha sa P17.5 billion na pondo para sa pag-host at pag-chair ng Pilipinas sa ASEAN 2026 Summits at Meetings. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here