Home METRO Guro utas sa tandem

Guro utas sa tandem

170
0

ROSALES, Pangasinan – Binawian na ng buhay habang ginagamot sa pagamutan ang isang guro matapos itong pagbabarilin ng riding tandem sa Brgy. Carmay East, Rosales, Pangasinan.

Una rito, sakay ng kanyang motor ang biktima pauwi ng bahay galing sa Sta. Maria at pagdating sa lugar ng insidente ay sinundan umano ito ng riding-in-tandem criminal at walang habas na pinagbabaril.

Nagtamo ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na agad namang naisugod sa pagamutan, subalit namatay habang ginagamot.

Nakakuha sa crime scene ng tatlong kapsula at isang basyo ng caliber .45 pistol.

Hanggang sa ngayon ay patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng pamamaril maging sa pagkakakilanlan ng mga riding in tandem suspek. REY VELASCO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here