Home HOME BANNER STORY Taas-singil sa tubig sa Metro Manila, nakaumang

Taas-singil sa tubig sa Metro Manila, nakaumang

214
0

MANILA, Philippines – Bukod sa mas mataas na presyo ng langis at kuryente, asahan din ng mga residente sa Metro Manila at karatig lugar ang pagtaas ng singil sa tubig sa April hanggang June 2026.

Ayon sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), inaprubahan ng kanilang board ang foreign currency differential adjustment (FCDA), na nag-aayos ng bayarin base sa galaw ng peso laban sa ibang foreign currency. Ginagamit ito ng MWSS concessionaires para bayaran ang mga utang sa foreign currency na pambili ng pagpapalawak at pagpapabuti ng serbisyo sa tubig at sewerage.

Dahil dito, tataas ang singil ng Maynilad ng ₱0.09 bawat cubic meter para sa West Zone (17 lungsod at bayan sa Metro Manila at Cavite), habang ang Manila Water ay magtaas ng ₱0.04 bawat cubic meter para sa East Zone (bahagi ng Marikina, Pasig, Makati, Taguig, Pateros, Mandaluyong, San Juan, ilang bahagi ng Quezon City at Manila, at ilang bayan sa Rizal). RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here