MANILA, Philippines – Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kailangan ng sulitin ang malamig at tuyong hangin ng amihan bago ito matapos.
Ngayong Biyernes, Marso 13, inaasahang magdadala ang amihan ng maulap na kalangitan at bahagyang ulan sa mga lalawigan ng Cagayan Valley, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Aurora, Quezon, Camarines Norte, Camarines Sur, at Catanduanes.
Para sa Metro Manila, buong Luzon, Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, at Caraga, magiging partly cloudy hanggang maulap ang kalangitan na may bahagyang isolated na pag-ulan. Ang ibang bahagi ng Mindanao ay makakaranas ng partly cloudy hanggang maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms.
Ang dating Tropical Depression Nuri ay humina na at naging low-pressure area, kaya hindi inaasahang bumalik bilang bagyo sa loob ng 24 oras.
Mula March 14–17, patuloy ang amihan sa karamihan ng bansa, at sa March 18–20, magpapalit ang hangin mula northeasterlies patungong easterlies, na magdudulot ng mas mainit na panahon, lalo na sa silangang bahagi ng bansa.
Ang huling tala ni PAGASA ay nagtala na ang amihan sa 2024–2025 ay nagtapos noong March 26, 2025. RNT/MND