Home HOME BANNER STORY Sirit-presyo sa produktong petrolyo, posible muli sa susunod na linggo

Sirit-presyo sa produktong petrolyo, posible muli sa susunod na linggo

190
0

MANILA, Philippines – Isa na namang malaking pagtaas ng presyo ng langis ang nagbabadya sa susunod na linggo dahil sa epekto ng giyera sa Gitnang Silangan.

Ayon sa mga industriya, ang diesel ay maaaring tumaas ng ₱19.30 hanggang ₱22.30 kada litro simula Martes, habang ang gasolina ay posibleng tumaas ng ₱14 hanggang ₱17 kada litro.

Ngayong linggo, naitala ang pinakamataas na single-week hike sa presyo ng langis sa Pilipinas, umabot ng ₱38.50 kada litro.

Ilang kumpanya ng langis ang nagpatupad ng staggered increases, hati-hati ang pagtaas sa presyo mula dalawa hanggang pitong tranches, bilang tugon sa panawagan ng Department of Energy. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here