Home SPORTS Gilas Women giba sa Germany sa FIBA ​​Qualifiers

Gilas Women giba sa Germany sa FIBA ​​Qualifiers

226
0

MANILA, Philippines – Muling nakalasap ng pagkatalo ang Gilas Pilipinas Women sa FIBA Women’s World Cup matapos silang idemolis ng Germany sa iskor na 113-80 kahapon sa France.

Maagang nakipagsabayan ang Pilipinas laban sa world No. 12 Germans ngunit nahabol sa 68-48 sa halftime.

Nagsimulang humiwalay ang Germany sa second half at naunat ang kalamangan sa hanggang 32 puntos, 101-69, sa unang bahagi ng fourth quarter matapos ang magkasunod na basket nina Frieda Bühner at Britta Daub.

Nanguna si Sumayah Sugapong sa Gilas Pilipinas na may 21 puntos, habang nagtala sina Afril Bernardino at Janine Pontejos ng 13 at 11 puntos, ayon sa pagkakasunod, nang bumagsak ang Pilipinas sa 0-2 sa torneo.

Pinalakas ni Emily Bessoir ang Germany na may 25 puntos at 13 rebounds, habang nagdagdag si Bühner ng 19 puntos.

Susunod na makakaharap ng Gilas Pilipinas ang Nigeria, South Korea, at Colombia sa pagpapatuloy ng kanilang bid para sa 2026 FIBA ​​Women’s Basketball World Cup na itinakda sa Germany ngayong Setyembre.

Ang Germany, bilang host nation, at Nigeria, bilang reigning FIBA ​​Women’s AfroBasket champions, ay nakakuha na ng awtomatikong kwalipikasyon para sa World Cup.JC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here