Home HOME BANNER STORY Imbestigasyon sa flood control mess, ‘di matatapos sa pagsasara ng ICI –...

Imbestigasyon sa flood control mess, ‘di matatapos sa pagsasara ng ICI – Malakanyang

113
0

MANILA, Philippines – Ayon sa Malacañang, ipagpapatuloy ang imbestigasyon sa umano’y multibilyong-pesong katiwalian sa flood control projects kahit matapos na ang mandato ng Independent Commission for Infrastructure (ICI).

Sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro na naisumite na ng ICI ang kanilang findings sa Ombudsman para sa karagdagang imbestigasyon.

“The fact-finding body, ICI, already turned over its report to the Ombudsman for further investigation. The mandate to pursue those responsible will continue,” ani Castro.

Binigyang-diin niya na hindi nagtatapos ang imbestigasyon sa pagsasara ng ICI.

“The Ombudsman and DOJ (Department of Justice) are still conducting preliminary investigations into the cases submitted or recommended to be filed,” dagdag niya.

Ayon kay Castro, may kapangyarihan rin ang Ombudsman at DOJ na magsagawa ng karagdagang imbestigasyon motu proprio o sa kanilang sariling inisyatiba.

Itinatag ang ICI noong nakaraang taon upang siyasatin ang umano’y anomalya sa flood control projects na umabot sa bilyon-bilyong pisong pondo ng gobyerno. Magwawakas ang operasyon ng ICI sa Marso 31 matapos ang halos anim na buwan ng kanilang mandato.

Samantala, sinabi ni PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. na patuloy ang PNP sa pagtulong sa pagtukoy at pagsasampa ng kaso laban sa mga sangkot.

“Nananatiling handa ang PNP sa patuloy na pagtulong sa pagsasampa ng kaso at pagtugis laban sa mga indibidwal na sangkot sa mga maanomalyang proyekto,” aniya.

Kabilang sa mga PNP unit na tumulong sa ICI ang Engineering Service, Criminal Investigation and Detection Group, Forensic Group, at Information Technology and Management Service. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here