Home METRO Estudyante, nalunod sa Cagayan river

Estudyante, nalunod sa Cagayan river

138
0

CAGAYAN, Philippines – Patay ang isang 18-taong-gulang na estudyante matapos malunod sa Cagayan River sa Barangay Carabatan Chica noong Sabado, Marso 14.

Ayon sa pulisya, kasama niya ang dalawang kaklase para sa isang school project at nag-swimming bago magsimula ang video recording.

Nawalan siya ng balanse habang sinusubukang isuot muli ang shorts, at napag-alamang hindi marunong lumangoy dahilan para ito ay malunod.

Dinala ang biktima sa ospital ngunit idineklara nang patay.

Pinayuhan ng awtoridad ang publiko na mag-ingat sa mga ilog at iba pang katawan ng tubig. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here