Home NATIONWIDE 4 nasagip matapos tangayin ng malakas na sea current sa La Union

4 nasagip matapos tangayin ng malakas na sea current sa La Union

2
0

MANILA, Philippines – Apat na katao ang nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG), sa tulong ng apat na mangingisda, matapos tangayin ng malakas na alon at agos ng dagat habang naliligo sa dagat sa Barangay San Francisco, San Fernando City, La Union nitong Biyernes.

Ayon sa PCG, rumesponde ang Coast Guard Station La Union Baywatch Team sa insidente at matagumpay na nailigtas ang apat na indibidwal.

Nakiisa rin sa rescue operation ang apat na lokal na mangingisda na tumulong sa mga tauhan ng Coast Guard upang mailigtas ang mga biktima.

Naganap ang insidente sa gitna ng pagdagsa ng mga turista sa mga dalampasigan ng lalawigan ngayong mahabang Undas holiday.

Ayon pa sa PCG, ipinakita ng mabilis na pagresponde ang kanilang patuloy na pagsisikap na matiyak ang kaligtasan sa karagatan at maprotektahan ang buhay ng publiko.

Pinayuhan naman ng ahensya ang publiko na mag-ingat sa paglangoy, lalo na sa mga lugar na may malalakas na agos, mabatong baybayin at malalim na tubig.

Hinimok din ang mga manlalangoy na sumunod sa mga babala at tagubilin ng mga awtorisadong tauhan upang maiwasan ang mga kahalintulad na insidente. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here