Home NATIONWIDE 76 pasyente inasistihan ng PRC sa Manila North Cemetery

76 pasyente inasistihan ng PRC sa Manila North Cemetery

1
0

MANILA, Philippines – Nasa 76 na pasyente na ang naasistehan at nilapatan ng paunang lunas ng Philippine Red Cross Manila Chapter sa loob ng Manila North Cemetery (MNC).

Ayon kay PRC Manila Chapter Safety Services Technical Staff Patrick Sevilla, karamihan sa kanilang na-cater ay mga matatanda.

Karamihan sa kanila ay nagpatingin ng vital sign dahil sa pagkahilo, pananakit ng ulo, nagpamonitor ng blood pressure at mayroon ding bahagyang nasugatan o nauntog pero ito ay minor lamang.

Mayroon din aniyang idineploy na mga foot patrols na nag-iikot sa loob ng sementeryo at mga medical teams na naka-scooter para agarang matugunan ang mga nangangailangan ng medical assistance.

Pinayuhan din ni Sevilla sa mga nagtutungo sa MNC na manatiling highdrated, magdala ng tubig at payong, handy electric fan bilang proteksyon dahil pabago-bago ang panahon.

Ang PRC Manila Chapter ay nagtalaga ng 2 ambulance ,4 na medic on wheels at 70 tauhan
sa loob ng MNC. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here