MANILA, Philippines – Dagsa na ang mga tao na bumibisita sa Manila North Cemetery (MNC) ngayong araw, Nobyembre 1.
Bagamat dagsa ang pagpasok, marami na rin ang lumalabas.
Sa datos at Undas 2026 monitoring ng Manila Police District (MPD), umakyat na sa 811,200 indibidwal ang dumalaw sa sementeryo.
Napag-alaman na sakaling bumuhos ang dami ng bibisita sa MNC, posibleng buksan ang isang gate ng sementeryo sa bahagi ng A. Bonifacio na magsisilbing exit point ng mga bumibisita.
Binuksan ang Manila North Cemetry sakto alas 5 ng umaga at magsasara alas 8 ng gabi pero depende pa yan sa buhos ng mga tao na maaring humabol.
Ngayong 12:30 ng hapon ay bigla namang bumuhos ang ulan kaya kanya-kanyang diskarte ang karamihan upang makasilong at hindi mabasa ng ulan. Jocelyn Tabangcura-Domenden