Home NATIONWIDE MRT-3 nagdaos ng safety drill kasama PNP-SAF

MRT-3 nagdaos ng safety drill kasama PNP-SAF

134
0

MANILA, Philippines – Nagsagawa ng dalawang araw na routine safety drill ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ang Department of Transportation kasama ang Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) sa kahabaan ng kanilang train system.

Ito ay isinagawa noong Marso 13 at 14 upang palakasin ang kahandaan laban sa mga posibleng banta sa seguridad sa loob ng rail system.

Ayon sa pamunuan ng MRT-3, layon ng mga pagsasanay na ito na matiyak ang mabilis, tama at epektibong pagresponde sa anumang sitwasyon para sa kaligtasan ng bawat pasahero.

Pinangunahan ni MRT-3 safety and security head Police Brigadier General Joselito Salido ang briefing at lecture upang mapanatili ang mataas na antas ng seguridad sa loob ng train system.

Dumaan ang mga personnel sa orientation tungkol sa mga pangunahing bahagi ng train at safety measures sa tulong na rin ng Safety and Security Unit (SSU), Transport Division, Engineering Division, at maintenance provider na TESP.

Kasama rin dito ang mga seminar at pagsasanay sa bomb awareness at firefighting. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here