Home TOP STORIES Pag-phase out ng SMS OTP para sa mas ligtas na digital banking,...

Pag-phase out ng SMS OTP para sa mas ligtas na digital banking, suportado ni Villar

119
0

PASAY CITY — Malugod na tinanggap ni Senador Mark A. Villar ang direktiba ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na i-phase out ang paggamit ng SMS one-time passwords (OTPs) ng mga bangko at institusyong pinansyal at palitan ito ng mas matitibay na seguridad bago ang Hunyo 30, 2026.

Bahagi ito ng pagpapatupad ng Anti-Financial Account Scamming Act (AFASA), isang batas na pangunahing isinulong at isinulat ni Villar upang mapalakas ang proteksyon ng publiko laban sa online scams at hindi awtorisadong transaksyon sa pananalapi.

Ikinatuwa ni Senator Mark Villar ang direktiba ng Bangko Sentral ng Pilipinas na magpatupad ng mas makabagong authentication methods simula Hunyo 30 ngayong taon, ito ay kaugnay sa pagpapatupad ng Anti-Financial Account Scamming Act (AFASA). Bilang principal sponsor at author ng batas, sinabi ni Villar na mahalagang hakbang ito upang maprotektahan ang mga Pilipino laban sa iba’t ibang uri ng online scams at phising. Nangako rin ang senador na magsusulong pa siya ng karagdagang mga panukala upang mapalakas ang cybersecurity, maprotektahan ang mga mamimili, at mapatatag ang tiwala ng publiko sa digital financial services.

“As Principal Sponsor and Author of the Anti-Financial Account Scamming Act, I welcome this move by the BSP. This is an important step toward making digital banking safer for everyone. Kailangan nating mas paigtingin ang proteksyon laban sa phishing, SIM swapping, at iba pang uri ng online scam,” ani Villar.

Ayon sa senador, hindi na sapat ang SMS OTP upang maprotektahan ang mga gumagamit ng digital banking dahil patuloy na dumarami ang nabibiktima ng phishing, SIM swapping, at account takeovers. Dahil dito, inaatasan ang mga bangko na gumamit ng mas advanced na authentication tulad ng biometrics, fingerprint o facial recognition, in-app approvals, push notifications, at device-based verification.

Sinabi ni Villar na mahalaga ang hakbang na ito habang patuloy na lumalawak ang paggamit ng digital transactions at nagiging mas sopistikado ang mga modus ng panloloko online.

“Lahat po ng transaction ay digital na, pati na din ang panlilinlang ng mga scammer at hacker, kaya po napapanahon ang hakbang na ito ng BSP upang mas gawing ligtas at mapangalagaan ang transaksyon ng mga kababayan natin online,” aniya.

Dagdag pa niya, patuloy na babantayan ang pagpapatupad ng batas upang matiyak na ligtas ang pera ng mga Pilipino na gumagamit ng online banking at digital payment platforms.

“Patuloy nating babantayan ang pagpapatupad ng batas na ito upang matiyak na ligtas ang pera ng ating mga kababayan at napapanagot ang mga gumagawa ng panloloko,” dagdag niya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here