MANILA, Philippines – Nakitaan ni Highways Secretary Vince Dizon ng pag-unlad sa pagkukumpuni ng kalsada, pag-aayos ng road slips, at konstruksyon sa mga bayan ng Lupi at Sipocot sa Camarines Sur kumpara sa una niyang pag-iinspekayon noong Enero.
Sa muli niyang pagbisita, pinuri ni Dizon ang malaking pagbabago na nagbigay-diin sa mas mabilis na biyahe bago ang Semana Santa.
Kabilang ang road repair sa Barangay Manangle, Sipocot; road slip sa Barangay Cabutagan, Lupi; at ang Mauca Bridge sa Barangay Colacling, Lupi.
Nakikipag-ugnayan namanĀ ang DPWH sa pamahalaang panlalawigan ng Camarines Sur at sa Philippine National Police para sa maayos na operasyon.
“Ngayon ay okay na. Kailangan ng traffic management dahil may konstruksyon sa gitna ng kalsada para sa daloy ng tubig, pero tiyak na magiging two lanes ito. “
Dagdag pa ni Dizon, magpapatuloy ang rehabilitasyon ng Maharlika at Andaya highways upang matiyak ang mataas na kalidad ng trabaho kahit pagkatapos ng Semana Santa. Jocelyn Tabangcura-Domenden