Home NATIONWIDE Sotto nabahala sa LGBT content sa mga libro ng Grade 1

Sotto nabahala sa LGBT content sa mga libro ng Grade 1

1
0

MANILA, Philippines – Nabahala si Senate President Pro Tempore Vicente “Tito” Sotto III kaugnay sa mga content na may kinalaman sa lesbian, gay, bisexual, and transgender (LGBT) people na binabanggit sa mga libro para sa Grade 1 students.

Ito ang inilahad sa deliberasyon ng Senado sa proposed P915.49 bilyong badyet ng Department of Education (DepEd) at attached agencies nito para sa fiscal year 2027.

Sa sesyon, ipinakita ni Sotto ang Grade 1 textbook na tila nagpo-promote ng LGBT agenda.

“Some of us are concerned because masyado maaga ito para sa mga kabataan, sa elementary. This debate has been going on for quite a while. We have people, I understand, advocating for both sides; you know, it’s understandable. We have many friends on that particular side,” aniya.

“But DepEd has to draw a line. Hindi ba masyadong mababaw ang pang-unawa ng mga elementarya para ituro kaagad ito nang ganito,” dagdag pa.

Ani Sotto, wala siyang galit sa ideolohiya ng LGBT at nagtatanong lamang siya kung dapat ba talagang ituro ang mga ito sa mga paaralan.

Nanawagan ito sa DepEd na sa halip ay tutukang ituro sa mga bata ang respeto at kabutihan sa iba at kung paano maiiwasan ang gumamit ng iligal na droga.

Maaari rin umanong tutukan ng ahensya ang pagkakaroon ng mga libro na tumututok sa anti-bullying, financial literacy, mental wellness, at pagpapabuti ng reading capabilities ng mga mag-aaral.

“You know, siguro dapat doon ang concentrate talaga ng DepEd –to build student resilience, emotional awareness, and mindful exercises,” sinabi ni Sotto.

“Palagay ko ‘yun ang mas magandang pag-aksyahan natin ng mga libro kesa sa ganito na controversial ano because merong mga Catholic groups, Christian groups, even Muslim groups that are not in favor of having this in the elementary,” pagpapatuloy niya.

Bilang tugon, sinabi ni budget sponsor Senator Bam Aquino na ang mga topic sa mental health awareness, GMRC, financial literacy, at anti-drug abuse ay tinatalakay na sa mga paaralan sa ibang grade level.

“I’m sure the Secretary, upon your interpellation today, will check again the proper grade levels for these topics, Mr. President,” sinabi ni Aquino.

Si Education Secretary Sonny Angara ay nasa session hall sa deliberasyon ng proposed 2027 budget ng DepEd. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here