Home NATIONWIDE P5K fuel aid program, palalawigin ‘gang Abril

P5K fuel aid program, palalawigin ‘gang Abril

165
0

MANILA, Philippines – Palalawigin ng gobyerno ang fuel subsidy program nito ng hanggang Abril para tulungan ang 400,000 public utility vehicle (PUV) drivers na makayanan ang tumataas na presyo ng langis sa gitna ng labanan sa Gitnang Silangan.

Ito’y matapos ang matagumpay na initial payouts na mapakikinabangan ng tricycle drivers sa Metro Manila.

Ang pamamahagi ng P5,000 na cash assistance ay sinimulan sa ASAC Covered Court sa Sta. Mesa, Manila saklaw ang 135,196 tricycle drivers mula sa iba’t ibang lugar sa MM.

Sa isang kalatas, sinabi ni Executive Secretary Ralph Recto na ang expanded program ay mapakikinabangan ng kabuuang 396,352 PUV drivers sa Metro Manila, kabilang na ang transport network vehicle services (TNVS) drivers, motorcycle taxi drivers, bus drivers at jeepney drivers.

Aniya, ang inisyatiba, ipinatupad sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development’s (DSWD) Assistance to Individuals in Crisis Situation Program, naglalayon na “ease the pain at the gas pump and the pinch on [the beneficiaries’] income.”

“Two wheels, three wheels, four wheels, six wheels. Basta namamasada susubukan na maisama sa programa,” ang sinabi ni Recto.

“Prayoridad ng Pangulo na agad matulungan ang ating mga tsuper na biktima ng kaguluhan sa Middle East. Kaya inilarga na agad ang tulong-pasada na ito,“ aniya pa rin.

Sa kabilang dako, sinabi ni Recto na ang nationwide distribution ng fuel subsidies ay isasagawa sa Abril, sa oras na ang DSWD, Department of Transportation and Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay naisapinal na ang listahan ng mga benepisaryo.

Winika ni Recto na maglulunsad ang gobyerno ng Libreng Sakay Program para tulungan ang mga mananakay lalo na ang mga estudyante at manggagawa, makatipid ng pera sa gitna ng tumataas na presyo ng mga bilihin.

“We are doing an inventory of what we can deploy, and who can participate,” ang sinabi ni Recto.

“There will be various modalities. We can deploy government-owned vehicles, for example. Or even contract buses and designate these as fare-free rides,” aniya pa rin.

Samantala, hihilingin din ng gobyerno sa local government units na may free bus services na palawigin ang operating hours.

“Ang mahalaga, pag naipon ang lahat ng mga ‘yan, malaki ang maitutulong sa mananakay,” anito. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here