Home NATIONWIDE Krisis sa MidEast patuloy na minomonitor ng gobyerno – PBBM

Krisis sa MidEast patuloy na minomonitor ng gobyerno – PBBM

154
0

MANILA, Philippines – Patuloy na binabantayan gobyerno ang mga kaganapan sa Gitnang Silangan.

“Nandito ang gobyerno. Nandito ang pamahalaan at talagang binabantayan natin kung anong mga bagong pangyayari, kung ano pang darating,” ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., matapos ang pamamahagi ng cash aid sa mga tricycle drivers sa ASAC Covered Court sa Sta. Mesa, Manila.

Pinawi ng Pangulo ang alalahanin ng pubiko, sabay sabing makatatanggap ng tulong ang mga apektadong OFWs mula sa gobyerno upang masiguro na ang kanilang kabuhayan at araw-araw na pag-commute ay hindi magagambala.

Kumpiyansa naman ang Pangulo na ang nagpapatuloy na krisis sa Gulf region ay walang matinding epekto sa Pilipinas.

“Patuloy lang at hindi naman masyadong maging problema itong nangyaring giyera sa Middle East. Asahan po ninyong kami po ay nakabantay at nakaalalay sa lahat ng ating mga kababayan,” aniya pa rin.

Nauna rito, ipinag-utos ni Pangulong Marcos sa mga ahensiya ng gobyerno na maghanda ng contingency measures at ipatupad ang energy-saving efforts sa gitna ng posibleng oil price shocks na iniuugnay sa matinding tensyon sa Gitnang Silangan. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here