Home ENTERTAINMENT CocoJules, lantaran na ang lips to lips!

CocoJules, lantaran na ang lips to lips!

174
0

Manila, Philippines – Emosyonal si Julia Montes sa pa-cake ni Coco Martin nitong nakaraan.

Sa kalagitnaan kasi ng ginawang pagme-make up sa kanya’y biglang sumulpot from nowhere ang kanyang rumored (pa bang?) boyfriend na may dalang rectangular strawberry cake.

Kinantahan pa siya ng happy birthday.

Nagulat na napaluha na lang si Julia na hinampas pa si Coco sa surprise gesture nito.

Pero ang panalo ay ang eksenang nag-lips to lips ang rumored couple!

As expected, the video went instantly viral.

May caption pa ang aktres na: “Early birthday surprise from my Palagi.”

Early dahil sa March 19 pa ang kaarawan ni Julia who’ll turn 31.

In return, niyakap ng birthday girl si Coco habang ibinababa ang cake.

Obyus na inuunti-unti na ng couple ang publiko before the big reveal.

Baka nga ang big reveal ay kasabay ng anunsyo ng kanilang pagpapakasal, who knows?

Ang tagal… Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here