Home NATIONWIDE MMDA, aagapay sa commuters sa March 19 transport strike

MMDA, aagapay sa commuters sa March 19 transport strike

134
0

MANILA, Philippines – Nakahanda na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magpatupad ng Libreng Sakay program upang tulungan ang mga commuter sa gitna ng transport strike sa Marso 19.

Ayon kay MMDA General Manager Nicholas Torre III, nakikipag-ugnayan ang ahensya sa mga security forces at iba pang sangay ng pamahalaan upang mabawasan ang epekto ng tigil-pasada.

“MMDA is closely coordinating with the security forces para sa kung ano man ang mga logistics na kanilang kailangan para ma-alleviate ang impact nitong tigil-pasada,” ani Torre sa Kapihan sa Manila Hotel forum.

Dagdag niya, inihahanda na ang mga bus at iba pang sasakyan upang makapagbigay ng libreng sakay sa mga apektadong commuter.

“In particular, we are readying our buses and other transport vehicles para makapagbigay ng libreng sakay,” aniya.

Sa gitna ng pagtaas ng presyo ng langis, pinalalakas din ng MMDA ang pagsusulong ng active mobility sa pamamagitan ng paghimok sa publiko na maglakad o magbisikleta, na sinusuportahan ng mga bagong pasilidad tulad ng shower areas para sa mga siklista.

Isinusulong din ng ahensya ang mga proyektong pang-sustainability, kabilang ang solar-powered infrastructure katuwang ang Meralco at waste-to-energy projects, habang patuloy na pinapahusay ang traffic management sa pamamagitan ng digitized signal systems at koordinasyon sa mga proyektong imprastraktura. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here