Home NATIONWIDE Driver ng crossover SUV, niratrat sa Bulacan

Driver ng crossover SUV, niratrat sa Bulacan

181
0

BULACAN – Duguan, lupaypay at walang malay ang hindi pa kinikilalang driver nang pagbabarilin sa loob ng kanyang sasakyan sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM), nitong tanghali ng Marso 18.

Sa nakalap na ulat at base na rin Facebook post na agad nag-viral tungkol dito, lulan ang kalunos-lunos na biktima ng puting subcompac crossover SUV Honda BR-V nang paulanan ng bala ng hindi nakilalang gunman bandang 1:00 ng tanghali sa tapat ng South Triangle Wet and Dry Market, Brgy. Muzon.

Ayon sa ilang nakarinig, nasa apat o hanggang limang putok ang umalingawngaw at nang humupa ang ingay, nakita ang nasabing sasakyan na sumalpok sa bahagi ng isang drug store.

Agad naman dumating ang rescue team na nagdala sa duguan at nakahandusay na lalaking biktima sa ospital para sa paunang lunas.

Sinasabing mabilis na tumakas ang gunman sa lugar matapos ang pamamaril.

Sinusulat ito, patuloy ang imbestigasyon ng pulisya at dumating na ang SOCO sa lugar. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here