Manila, Philippines – Nagdiwang ng kanyang ika-29th birthday si Julia Barretto kamakailan.
Sa isang reel, nagbigay ng mensahe ng pagbati ang kanyang amang si Dennis Padilla sa aktres.
May mga abangers namang naghintay kung babatiin ba siya ng kanyang ex na si Gerald Anderson sa kanyang kaarawan.
Ito ay kahit hiwalay na ang dalawa simula pa noong Setyembre nang nakaraang taon.
Sa Instagram ay patuloy pa rin naman nilang pina-follow ang isa’t-isa.
Sa latest post ni Julia, may mga nang-intriga namang mga katikatera at sawsawera hinggil sa isang litrato kung saan may kasama ito sa kanyang dinner date na hindi naman visible sa pic.
Sa umpukan ng mga tsismosang kapitbahay ay inintriga ito ng kibitzers.
Hirit ng mga nagmamarisol, may bago raw ka-date ang actress.
Ito ang ilang hirit ng mga katekatera.
“Parang may bagong ka-date si teh.”
“Sino kayang kumuha ng picture?”
“Ang light lang ng aura niya. Maybe she must be in love.”
“Loveless pa rin siya. Si Gerald, wala pa ring gf. Hindi kaya naghihintayan sila?”
“After their breakup, walang nabalitang na-involve sila sa iba. Hindi kaya, sa huli, sila pa rin? They parted naman amicably”
“Pakiramdam ko, may feelings pa rin sila sa isa’t-isa.”
“Gerald celebrated his birthday last March 7. Then si Juls, 3 days after. Binati ba nila ang isa’t-isa?”
“Baka naman thru text o message lang. Hindi naman kailangang idaan pa sa social media.” Archie Liao