MANILA, Philippines – Naitala ang magnitude 5.3 na lindol sa karagatang timog-silangan ng Balut Island sa bayan ng Sarangani, Davao Occidental nitong Linggo ng hapon, Nobyembre 22.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naganap ang lindol dakong alas-3:54 ng hapon, may 303 kilometro mula sa Balut Island.
May lalim itong 83 kilometro at tectonic ang pinagmulan, o dulot ng paggalaw ng mga fault sa ilalim ng lupa.
Batay sa inilabas na earthquake bulletin ng PHIVOLCS dakong alas-5:06 ng hapon, walang inaasahang pinsala o aftershocks mula sa lindol. Santi Celario