Home NATIONWIDE PNP todo-alerto pa rin sa ikawalang araw ng nationwide transport strike

PNP todo-alerto pa rin sa ikawalang araw ng nationwide transport strike

165
0

MANILA, Philippines – Nanatiling naka-high alert ang Philippine National Police (PNP) sa ikalawang araw ng nationwide transport strike upang tiyakin ang kaayusan at kaligtasan ng publiko, ayon kay PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr.

Ayon sa ulat, nanatiling mapayapa at maayos ang unang araw ng transport strike na inilunsad ng grupong Piston kaugnay ng pagtaas ng presyo ng langis dulot ng tensyon sa Middle East.

“We assure the public that the PNP remains on alert and ready to respond to any developing situation, while continuing to safeguard the safety and security of all,” ani Nartatez.

Sinabi rin niyang nagkaroon ng ilang rally sa iba’t ibang bahagi ng bansa ngunit walang naitalang major incident. Dagdag pa, naka-deploy ang mga pulis sa mga pangunahing lugar upang tumulong sa traffic management at sa mga commuter na naapektuhan ng tigil-pasada.

“Police personnel were deployed in key areas to ensure public safety, manage traffic, and assist commuters affected by the strike,” dagdag pa niya.

Binigyang-diin ng PNP ang kanilang paggalang sa karapatan sa mapayapang pagtitipon habang pinananatili ang kaayusan, kasabay ng patuloy na koordinasyon sa iba’t ibang ahensya at lokal na pamahalaan upang mabawasan ang abala at agad matugunan ang anumang sitwasyon. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here