Home NATIONWIDE BIR lumagpas sa target na koleksyon sa unang 2 buwan ng 2026

BIR lumagpas sa target na koleksyon sa unang 2 buwan ng 2026

267
0

MANILA, Philippines – Lumagpas sa target ang koleksyon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa unang dalawang buwan ng 2026, na umabot sa P530.055 bilyon.

Ayon sa BIR, nalampasan nito ang target na P527.775 bilyon ng P2.280 bilyon o 100.43%, neto na ang tax refunds. Mas mataas din ito ng P15.307 bilyon kumpara sa P514.748 bilyon na nakolekta sa parehong panahon noong 2025.

Katumbas ito ng 2.97% pagtaas taon-taon, na iniuugnay sa mas pinaigting na tax collection at enforcement efforts, pati na sa mas mataas na pagsunod ng mga nagbabayad ng buwis.

Sinabi ng BIR, “Despite global economic headwinds, the BIR remains optimistic and firmly committed to sustaining revenue growth and meeting its 2026 goals.”

Dagdag pa ng ahensya, ipagpapatuloy nila ang “balanced and people-centered approach” upang makalikom ng pondo para sa pambansang kaunlaran habang pinoprotektahan ang karapatan ng taxpayers. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here