Home ENTERTAINMENT Vilma, pumiyok sa kaso ni Anne!

Vilma, pumiyok sa kaso ni Anne!

165
0

Manila, Philippines – Lalong sinamantala ni Batangas Gov. Vilma Santos-Recto ang International Women’s Month sa pagdidiin na: “It’s about time you should treat women with respect!”

Obyus na in general ang paraan ng pag-a-address ni Ate Vi nito, pero tumbok na tumbok naman na may kunek ito kay Anne Curtis who doesn’t deserve to be disrespected.

“Definitely, I’m not happy! That’s why we’ve been talking about women empowerment!” giit ng aktres-pulitiko.

Isa nga si Vilma sa mga dumepensa kay Anne sa isyu involving Cong. Bong Suntay.

“Noong araw, sabi nila, ang babae ay nakasunod lang sa lalaki…not anymore!” sey niya when asked for her reaction at the screening of her film Ekstra at the Metropolitan Theatre.

Patuloy niya: “We duly respect our men but remember, marami kaming kayang gawin at bigyan mo ng respeto ang kakayahan ng babae.

Hindi babae ka lang, kundi babae kami!”

Simply put, huwag daw menusin what women can do.

“So don’t underestimate us, don’t say bad words against us. Kasi kahit paano, aalma kami. Bago ka magsalita ng hindi maganda, tingnan mo muna ang sarili mo!”

Ano naman ang take ni Ate Vi sa ibang mga babae who dress up scantily, dahilan para bastusin ang mga ito?

Tugon niya: “Huwag naman nilang lahatin ang mga kababaihan…still, wala tayong karapatang husgahan sila!”

Kadalasan daw kasi’y ganoon ang manner of dressing nila dahil: “Parte ‘yan ng trabaho nila, eh. Hindi naman sila nagpi-flirt in front of you…dumadaan lang sila in front of you kaya wala kang karapatang manghusga!”

Ano nga ‘yung classic line ni Melanie Marquez tungkol sa pagdya-judge ng kapwa? Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here