Home NATIONWIDE Vape bans sa Southeast Asia nagpapalawak ng illicit trade

Vape bans sa Southeast Asia nagpapalawak ng illicit trade

389
0

MANILA, Philippines – Nagbabala ang ilang international health advocates at policy experts na ang pagbabawal sa smoke-free nicotine alternatives ay nagdudulot ng hindi inaasahang epekto kabilang ang paglaki ng illicit markets, pagbaba ng kita ng gobyerno mula sa buwis, at pagbabalik ng ilang gumagamit sa tradisyunal na sigarilyo.

Ayon sa ebidensya mula sa iba’t ibang bansa, ang mga pata­karang idinisenyo upang protektahan ang public health ay maaa­ring nagkakaroon ng kabaligtarang epekto—na nagreresul­ta sa mas mataas na smoking rates habang nananatiling matatag ang paggamit ng sigarilyo.

Sa Southeast Asia, patuloy na lumalawak ang illegal vape markets sa mga bansang may mahigpit na pagbabawal o li­mitasyon gaya ng Thailand, Singapore, Vietnam at Cambodia.

Sa Singapore, ipinagbawal ang vaping at may mabigat na parusa sa paglabag dito noong 2018 ngunit  ayon sa journal na Drug and Alcohol Review, patuloy ang “illegal vaping culture.” Sa Thailand, ipinagbabawal din ang e-cigarettes ngunit nananati­ling malawak ang availability nito, ayon sa ulat ng Bangkok Post noong Pebrero 2023.

Sinabi ni Dr. David Khayat, professor sa Pierre et Marie Curie University at dating adviser ni French President Jacques Chirac, na maaaring umabot na sa limitasyon ang mga dekada ng taxation at health warnings. Inihambing niya ang kasaluku­yang nicotine bans sa prohibition era ng Estados Unidos noong 1920s.

“When you try to prohibit it, what’s going to happen is mob, mafia, illicit trade and everything,” ang pahayag ni Khayat.

Ayon sa Global State of Tobacco Harm Reduction (GSTHR) report, patuloy na kumikitil ng nasa 8 milyong buhay bawat taon ang tobacco, lalo na sa low- and middle-income countries.

Ipinapaliwanag ng ulat na ang mataas na buwis at outright bans ay maaaring magdulot ng impresyon na kasing panganib ng sigarilyo ang smoke-free alternatives. Ang “misperception of harm” na ito ay maaaring pumigil sa mga smoker na lumipat sa lower-risk alternatives habang itinutulak ang bentahan sa unre­gulated markets.

Ayon kay Dr. Lorenzo Mata Jr., presidente ng Quit for Good, hindi pa nagdudulot ng malaking pagbabago ang kasalukuyang global strategies laban sa paninigarilyo. “Smoking rates remain high, particularly in low- and middle-income countries where smokers are denied better alternatives to cigarettes due to the strategy promoted by the WHO. This also results in widespread smuggling and illicit trade.”

Ipinapakita ng datos ng World Health Organization na umabot sa 1.25 billion ang global tobacco users noong 2022, halos dalawang dekada matapos ipatupad ang Framework Convention on Tobacco Control (FCTC).

Sa India, ipinagbawal ang vaping noong 2019 sa pamama­gitan ng Prohibition of Electronic Cigarettes Act ngunit nananati­ling available ang mga unregulated devices sa informal markets. Ayon kay consultant cardio-endocrine physician Dr. Rohan Andrade Sequeira, limitado ang epekto ng nicotine replacement therapy para sa 250 milyong tobacco users sa bansa. “There’s no way out for these patients who are suffering from behavioral patterns of using tobacco or nicotine.”

Sinabi ni Kurt Yeo, international harm reduction advocate at co-founder ng Vaping Saved My Life (VSML), na nagiging mas mahirap ang smoking cessation sa ilang African countries dahil sa kakulangan ng cessation support at sa malawak na illicit cigarette trade.

Binanggit naman ni JP Solis, presidente ng Science and Innovation Nicotine Advocacy Group (SINAG), ang pagkakaiba ng policy approaches sa pagitan ng Western at Asian governments. Habang ginagamit ng United Kingdom at New Zealand ang vaping bilang bahagi ng cessation strategies, patuloy namang nagbabawqal ang maraming bansa sa Asia.

“These restrictions can often push consumers towards illicit products while discouraging the development of innovative and less harmful technologies. A balanced approach would protect consumers far more than blanket bans,” dagdag na wika nito.

Isang pag-aaral ng University of Queensland ang nagkum­para sa policies ng Australia at New Zealand. Habang mahigpit ang restrictions ng Australia sa nicotine vapes, pinapayagan naman ng New Zealand ang regulated adult sales. Natuklasan ng mga researcher na bumaba ng 10 percent bawat taon ang daily smoking sa New Zealand mula 2016 hanggang 2023—doble kumpara sa 5 percent decline sa Australia.

Ayon kay Dr. K. Michael Cummings ng Medical University of South Carolina, nakita naman sa United States, England at Sweden na ang access ng consumers sa lower-risk products sa regulated market ay magpabilis sa pagbaba ng cigarette use. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here