Home NATIONWIDE Military ops sa Iran, oil sanctions paluluwagin ng US

Military ops sa Iran, oil sanctions paluluwagin ng US

197
0

MANILA, Philippines – Ipinahiwatig ni US President Donald Trump na posibleng bawasan na ng Estados Unidos ang operasyon militar laban sa Iran, kasabay ng pagluwag sa oil sanctions upang matugunan ang lumalalang krisis sa suplay ng langis sa buong mundo.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Trump na ang US ay “getting very close to meeting our objectives as we consider winding down our great Military efforts in the Middle East,” na nagpapakita ng posibilidad na humupa ang labanan na nagsimula noong Pebrero 28.

Gayunman, nagpapatuloy pa rin ang tensyon sa rehiyon, kung saan naglunsad ang Iran ng drone at missile attacks laban sa Saudi Arabia at Israel, habang tinamaan din ang mahahalagang energy facilities sa Kuwait at Qatar.

Ang sitwasyon, kasama ang halos pagharang ng Iran sa Strait of Hormuz—na dinaraanan ng humigit-kumulang 20% ng pandaigdigang suplay ng langis—ay nagdulot ng pagtaas ng presyo ng langis, kung saan umabot sa $112.19 kada bariles ang Brent crude.

Upang maibsan ang kakulangan sa suplay, pansamantalang inalis ng US Treasury ang ilang sanctions sa Iranian oil shipments na na-load bago ang Marso 20, na maaaring ibenta hanggang Abril 19.

“By temporarily unlocking this existing supply for the world, the United States will quickly bring approximately 140 million barrels of oil to global markets, expanding the amount of worldwide energy and helping to relieve the temporary pressures on supply caused by Iran,” ayon kay Treasury Secretary Scott Bessent.

Sa kabila ng pahiwatig na maaaring mag-de-escalate ang sitwasyon, nananatiling matigas ang posisyon ni Trump.

“I think we have won. I don’t want to do a ceasefire. You know you don’t do a ceasefire when you’re literally obliterating the other side.”

Hinimok din niya ang ibang bansa na akuin ang responsibilidad sa pagbabantay sa Strait of Hormuz, at sinabing maaaring tumulong ang US ngunit hindi nito dapat pasanin nang mag-isa ang tungkulin. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here