Home METRO 3 NPA utas sa bakbakan sa NegOcc

3 NPA utas sa bakbakan sa NegOcc

165
0

MANILA, Philippines – Patay ang tatlong hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) matapos ang sagupaan sa mga tropa ng militar sa Kabankalan City, Negros Occidental madaling araw ng Sabado, kasunod ng ulat mula sa mga residente hinggil sa presensya ng mga rebelde sa lugar.

Kinilala ng militar ang mga nasawi na sina Milky “Gorting” Sampini, Ritchie “Makoy”/“Akiro” Verano, at Joedil “Junjun”/“Cairo” Balsimo, na umano’y sangkot sa mga pagpatay sa sibilyan at bahagi ng mga nawasak na yunit ng rebeldeng grupo sa Negros.

Ayon kay Lt. Col. Dennis Martinez, commander ng 47th Infantry Battalion, isinagawa ang operasyon batay sa impormasyon mula sa mga residente.

“The operation was prompted by timely reports from concerned residents on the presence of NPA elements. Community members have expressed growing frustration and anger over the atrocities committed by these groups,” aniya.

Naganap ang engkuwentro bandang alas-4 ng madaling araw sa Sitio Santol, Barangay Tampalon, at tumagal lamang ng dalawang minuto.

Narekober ng militar ang ilang armas kabilang ang isang R4 rifle, dalawang M16 rifle, dalawang M203 grenade launcher, isang granada, pati personal na gamit at mga subersibong dokumento.

Ayon sa 302nd Infantry Brigade, kabilang ang mga nasawi sa mga responsable sa serye ng pagpatay at panununog sa Negros Island, kabilang ang mga kamakailang biktima na sina Leonora Anguit at Renante Vedarte sa Kabankalan City.

“This accomplishment reflects the unwavering dedication of our soldiers to their sworn duty. We will not stop until those responsible for terrorizing our communities are brought to justice,” pahayag ni Brig. Gen. Jason Jumawan. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here