Home NATIONWIDE Laban sa cancer ibinahagi ni SC justice Maria Filomena Singh

Laban sa cancer ibinahagi ni SC justice Maria Filomena Singh

164
0

MANILA, Philippines – Ibinahagi ni Supreme Court Associate Justice Maria Filomena Singh ang kanyang laban sa cancer, na nagsilbing paalala para pahalagahan ang bawat araw at gawin ang makakaya habang may pagkakataon.

Bilang isa sa mga panelist sa unang Distinguished Women’s Forum ng Korte Suprema, ibinahagi ni Singh na siya ay na-diagnose na may cancer noong 2025, isang karanasan na kanyang inilalarawan bilang “mabigat” at “hamon.

Gayunman, sinabi ni Sign na nagkaroon siya ng pananaw kapag iniisip ang mga tao na mas mahirap ang pinagdadaanan.

Dagdag pa niya, naramdaman niyang may kalamangan siya dahil binigyan siya ng oras ng kanyang diagnosis para maghanda.

Ayon pa kay Singh, ang pagsasalin ng pagpapahalagang iyon ay sa pamamagitan ng pagtatrabaho at sa paggawa ng kaya pa habang naririto pa.

“Naniniwala ako na nasa lugar tayo kung saan tayo nararapat sa anumang oras dahil iyon ang plano para sa atin,” dagdag niya.

Kasama rin sa mga panelist sina retired chief justice Teresita Leonardo-de Castro, retired associate justice Conchita Carpio-Morales, at retired associate justice Angelina Sandoval-Gutierrez. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here