Home ENTERTAINMENT Gary V at Igan, may hirit sa transportasyon!

Gary V at Igan, may hirit sa transportasyon!

152
0

Manila, Philippines – Sa pagtaas ng presyo ng gasolina, diesel at kerosene bunsod ng kalagayan sa Gitnang Silangan, may mga magagandang ideyang inihain sina Gary Valenciano at Arnold Clavio.

Mula kay Gary–gumamit ng bike o bisikleta.

‘Yun nga lang, buksan at gawing accessible ang bike lane.

Mas nakakatuwa ang kay Igan–ibalik ang paggamit ng kalesa at karitela.

Once back in operation, malaking tulong daw ito sa ating turismo.

Mahihikayat ang ating mga mamamayan na gumawa ng mga ganitong means of transport.

Mababa rin daw ang kakailanganing

puhunan–darak at damo bilang pakain sa kabayo, sako para saluhin ang dumi nito.

Paraan nga naman ‘yon to address the oil price hike lalo’t walang katiyakan kung kailan huhupa ang tensyon sa Middle East.

Ikinsidera kaya ito ng Palasyo? Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here